Thursday, July 23, 2009

I remit at Jolibee???


MANILA - Bukod sa pinaghirapang kita sa abroad, puwede na ring magpadala ng mga pagkain ng isang sikat na food chain ang mga overseas Filipino worker (OFW) para sa kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Naging posible ito dahil sa kasunduang nilagdaan ng I-Remit at Jollibee Foods Corp.

Kahit nasa abroad ang OFW, maaari niyang ilibre o padalhan ng pagkaing produkto ng Jollibee ang kanyang pamilyang nasa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpunta sa tanggapan ng I-Remit sa bansa na kanyang kinaroroonan.

Sa foreign office ng I-Remit pipili ng produkto ng Jolibee ang OFW na nais niyang ipadala sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Puwede na ring sagutin ng OFW at siya mismo ang pipili ng pagkain na nais niyang ihanda sa birthday party ng kanyang kapamilya.

“The tie-up would break the barrier of distance by preserving family tradition," ayon kay Bansan C. Choa, chairman ng I-Remit Inc.

What can i say, Filipino will do anything to get all dollar transaction in every way possible. Well, this comes handy on ocassions for my nieces and nephews i think. But i can always send money and they can cook bags of chicken at home lol.

 

Copyright 2009 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner | Blogger template converted & enhanced by eBlog Templates